Thursday, May 28, 2009

=,( Luha..sa Likod ng Isang Makata..


Madalas hinahanap
ko ang kawalan,
gulo ang isip
at walang matakbuhan,
Laging nagtatanong
sa mga bagay na
maging sarili ko’y
di maabot ang karuktan,
ang mga kamay ko’y
kusang nangungusap,
at parang sasabog ang aking puso
sa mga sakit
na dala ng mga pangyayaring
pilit kong tinatakbuhan,
makatang maituturing
pero sa likod nito’y
gustong makalaya, sa pananahimik,
sa pagtatago ng aking nararamdaman…
gusto kong..”sumigaw!!!”…
nakakapagod!!.. na sa lahat ng ito..
walang gustong makinig sa aking mga salita…
pakinggan mo ko, kahit sandali lang…”
damhin mo ang laman ng aking puso,
at subukan mong hawakan ang aking mga kamay…
pigilan mo ko sa pagtakbo,
tulungan mo kong harapin ang katotohan….
kailangan kita…!”…..

No comments:

Post a Comment